Nokia 220 4G User guide
Isinasagawa ang mga pagsusuri sa SAR sa device sa karaniwang mga posisyon sa paggamit,
pagta-transmit sa pinakamataas na nasertipikahang antas ng lakas, sa lahat ng frequency band
nito.
Mangyaring sumangguni sa
para sa maximum na value ng SAR ng
device.
Natutugunan ng device na ito ang mga alituntunin sa pagkakalantad sa RF kapag ginagamit sa
ulo o kapag nakaposisyon nang hindi bababa sa 5/8 pulgada (1.5 sentimetro) ang layo mula
sa katawan. Kapag ginamit ang isang lalagyang nadadala, clip sa sinturon o iba pang anyo ng
lalagyan ng device para sa paggamit na sinusuot sa katawan, hindi ito dapat maglaman ng
metal at dapat na maglaan nang kahit sa nabanggit sa itaas na layo mula sa katawan.
Para magpadala ng data o mga mensahe, kinakailangan ng magandang koneksyon sa network.
Maaaring maantala ang pagpapadala hanggang sa maging available ang naturang koneksyon.
Sundin ang mga tagubilin sa layo ng pagkakahiwalay hanggang sa matapos ang pagpapadala.
Sa karaniwang paggamit, ang mga value ng SAR ay kadalasang mas mababa sa mga value na
nabanggit sa itaas. Ito ay dahil, para sa mga layunin ng mahusay na paggana ng system at
para mabawasan ang interference sa network, ang lakas sa pagpapagana ng mobile mo ay
awtomatikong nababawasan kapag hindi kinakailangan ang buong lakas para sa tawag. Kapag
mas mababa ang power output, mas mababa ang value ng SAR.
Maaaring may iba’t ibang bersyon at mahigit sa isang value ang mga modelo ng device.
Maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa bahagi at diensyo sa paglipas ng panahon at
maaaring makaapeekto ang ilan sa mga value ng SAR.
Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa
. Tandaan na ang mga mobile
device ay maaaring nagta-transmit kahit na hindi ka tumatawag.
Isinaad ng World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang siyentipikong impormasyon
ay hindi nagpapahiwatig ng pangangailangan ng anumang espesyal na pag-iingat kapag
gumagamit ng mga mobile device. Kung interesado ka sa pagbabawas ng iyong pagkakalantad,
inirerekomenda nila na limitahan ang iyong paggamit o gumamit ng hands-free kit para
mailayo ang device sa iyong ulo at katawan. Para sa higit na impormasyon at paliwanag at mga
talakayan sa pagkakalantad sa RF, pumunta sa website ng WHO sa
TUNGKOL SA DIGITAL RIGHTS MANAGEMENT
Kapag ginagamit ang device na ito, sundin ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na
kaugalian, pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng iba, kabilang ang mga copyright.
Maaaring pigilan ka ng proteksyon ng copyright sa pagkopya, pagbago, o paglipat ng mga
litrato, musika at iba pang nilalaman.
COPYRIGHTS AND OTHER NOTICES
Copyrights
The availability of products, features, apps and services may vary by region. For more info,
contact your dealer or your service provider. This device may contain commodities, technology
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
27