Ang ilan sa mga tampok ng
Parent Connect
ay may kasamang:
Attendance (Pagpasok)
Ang kasalukuyang attendance ay maaaring makita sa pamamagitan ng pag-click sa
Attendance (Pumasok)
na
tab. Dalawang beses araw-araw na inilalagay ang Attendance, ngunit maaaring hindi ito ganap na na-update
hangga’t hindi natatapos ang araw ng eskuwela.
Basic [Pangunahin] (Demograpiko ng Estudyante – Maaaring Ma-edit)
Ang demograpiko ng estudyante (address, tagapag-alaga at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa
emerhensiya) ay maaaring makita mula sa
Basic (Pangunahin)
na tab. Ang mga numero ng telepono at mga e-
mail address ng magulang o tagapag-alaga, mga numero ng telepono at pangalan ng taong kokontakin kapag may
emerhensiya ay maaaring ma-update mula sa tab na ito. Ang mga pagbabago ng address ay dapat gawin sa opisina
ng paaralan.
Tandaan:
Ang pangunahing tagapag-alaga ay mayroong kakayahang baguhin ang anumang
impormasyon at mga numero ng telepono sa pakikipag-ugnayan. Ang mga karagdagang tagapag-alaga ay maaari
lang baguhin ang kanilang sariling mga detalye sa pakikipag-ugnayan.
Mga Report Card
Ang
Parent Connect
ay nagpapahintulot sa mga magulang na makita ang mga marka at komento sa report card
kapag na-post na ang mga report card. I-click sa
Folder
na tab pagkatapos ay i-click ang VIEW (Tingnan) sa tabi
ng report card na gusto ninyong makita.
Mga Panayam sa Magulang/Guro
Ang
Parent Connect
ay magpapahintulot sa inyong magtakda ng mga komperensyang pagpupulong ng
Magulang/Guro sa inyong kaginhawaan nang hindi kinakailangang tumawag sa paaralan. Maaari ninyong makita
ang mga available na petsa at oras para sa (mga) guro ng inyong anak at pangasiwaan ang mga pagpupulong kung
mayroon kayong mahigit sa isang estudyante na pumapasok sa Paaralan ng Amber Trails. Mangyaring tingnan
ang Pahina 4 para sa mga detalyadong tagubilin.
Ang ibang mga tampok sa
Parent Connect
ay nagpapahintulot sa inyong tingnan ang kalendaryo ng paaralan,
magpadala ng mga mensahe sa guro ng inyong anak, mag-print ng profile report at tingnan ang Bulletin Board na
nagpapakita ng mga mahalagang abiso. Pinahihintulutan namin kayong mag-sign in sa
Parent Connect
at mag-