.
SANGGUNIANG GABAY NG PARENT CONNECT
Mahal Naming mga Pamilya ng Amber Trails,
Sa mundo ng on-line banking, pamimili at pag-access ng lahat ng uri ng impormasyon, walang pagkakaiba ang
mga paaralan. Ang Amber Trails Community School, kasama ng marami pang ibang mga paaralan sa Seven Oaks
School Division ay isinusulong ang sistema ng pag-iwas sa paggamit ng papel na tinatawag na
Parent Connect
kung saan makikita sa on-line ang lahat ng karaniwang impormasyon na ibinibigay mula sa paaralan.
Ang
Parent Connect
ay magpapahintulot sa mga pamilya na:
Suriin ang pagpasok (nang real time hanggang sa kasalukuyang araw)
Tingnan ang mga marka at komento sa report card
Magtakda ng mga oras para sa Komperensya ng Magulang/Guro
Tingnan at i-edit ang demograpiko (tirahan, impormasyon ng tagapag-alaga at impormasyon ng kontak
para sa emerhensiya)
Tingnan ang kalendaryo ng paaralan
Tingnan ang kasalukuyang ruta ng bus ng inyong anak
Magpadala ng mga mensahe sa mga guro
Higit na mas mahalaga kailanman, na mayroong gumaganang e-mail ang mga pamilya na ibibigay sa paaralan na
regular nilang titingnan. Karamihan ng mga memo at pakikipag-ugnayan mula sa Amber Trails ay magmumula sa
anyo ng isang e-mail sa mga pamilya sa halip na mga papel na memo.
Nauunawaan namin na walang access sa computer ang ilan sa mga pamilya. Nais naming maghandog ng libreng
paggamit ng mga computer sa Learning Commons ng aming paaralan para sa sinumang magulang na kailangan
ng access sa computer. Mangyaring huwag mag-atubiling pumunta sa opisina at ipaalam sa kanila na gagamit ka
ng computer.
Hinihiling namin na gumawa kayo ng isang espesyal na paghiling sa guro ng inyong anak para sa mga papel na
kopya ng mga report card at newsletter.
Umaasa kaming makakatulong sa inyo itong Mapagkukunang Gabay ng Parent Connect. Mangyaring itago sa
bahay ang gabay na ito para sumangguni dito sa hinaharap.
Mangyaring magtuon ng espesyal na pansin sa Report Card na bahagi at sa pagbu-book ng mga oras ng komperensya!
Pahintulot at Mga Password
sa
Parent Connect
Ang pinakamadaling paraan para mag-log in sa
Parent Connect
ay sa pamamagitan ng paggamit ng inyong e-
mail address. Ilagay ang inyong e-mail address (ang isang ibinigay sa paaralan), i-click sa “Select a Student”
(Pumili ng Estudyante) at ilagay ang inyong password. Kung ito ang unang pagkakataon na magla-log in kayo, i-
click ang “Forgot My Password” (Nakalimutan ang Aking Password) at may lalabas na pop-up na kahon.
Hihilingin sa inyong ilagay muli ang inyong e-mail address at padadalhan kayo ng sistema ng isang
pansamantalang password. Maaari rin kayong mag-log in gamit ang numero ng MET, na makikita sa kopya ng
report card ng inyong anak o kaya maaari ninyong tawagan ang paaralan para makakuha nito. Kapag nakapag-
sign na kayo nang matagumpay, hinihikayat ang mga magulang na baguhin ang kanilang password para matiyak
ang pagiging pribado.
Ang mga link para sa
Parent Connect
ay makikita sa website ng paaralan sa pamamagitan ng pag-click sa
“Parents” (Mga Magulang) o sa pamamagitan ng pag-type ng sumusunod sa address bar: