Nokia 220 4G User guide
• Pumunta sa isang lugar na may sapat na signal.
1. Paulit-ulit na pindutin ang end key, hanggang sa ipakita ang home screen.
2. I-type ang opisyal na numerong pang-emergency para sa iyong kasalukuyang lokasyon.
Nag-iiba-iba ang mga numero para sa emergency na tawag ayon sa lokasyon.
3. Pindutin ang call key.
4. Ibigay ang kinakailangang impormasyon nang tumpak hangga’t maaari. Huwag tapusin ang
tawag hanggang sa bigyan ka ng pahintulot na gawin ito.
Maaaring kailangan mo rin gawin ang sumusunod:
• Maglagay ng SIM card sa telepono.
• Kung nanghingi ng PIN code ang iyong telepono, i-type ang opisyal na numerong pang-
emergency para sa iyong kasalukuyang lokasyon, at pindutin ang call key.
• I-off ang mga paghihigpit sa tawag sa iyong telepono, tulad ng pagharang ng tawag, fixed
dialling, o saradong grupo ng user.
PANGANGALAGAAN ANG IYONG DEVICE
Pag-ingatan ang iyong device, baterya, charger at mga accessory. Tutulungan ka ng mga
sumusunod na mungkahi na panatilihing gumagana ang iyong device.
• Panatilihing tuyo ang device. Maaaring
naglalaman ng mga mineral na tumutunaw
ng mga electronic circuit ang ulan,
kahalumigmigan, at lahat ng uri ng mga
likido o pagkamamasa-masa.
• Huwag gagamitin o iimbak ang device sa
maalikabok o maruruming lugar.
• Huwag iimbak ang device sa maiinit na
temperatura. Maaaring mapinsala ng
matataas na temperatura ang device o
baterya.
• Huwag iimbak ang device sa malalamig na
temperatura. Kapag umiinit ang aparato
sa normal na temperatura nito, maaaring
maging mahalumigmig ang loob ng device
at sisirain ito.
• Huwag bubuksan ang device bukod sa
itinuro sa user guide.
• Maaaring masira ng mga hindi
awtorisadong pagbabago ang device
at labagin nito ang mga regulasyong
namamahala sa mga radio device.
• Huwag ibabagsak, pupukpukin, o alugin
ang device o baterya. Maaaring masira ito
ng hindi-maingat na paghawak.
• Gumamit lang ng malambot, malinis,
tuyong basahan para linisin ang ibabaw
ng device.
• Huwag pintahan ang device. Maaaring
mapigilan ng pintura ang wastong
pagpapagana.
• Ilayo ang device sa mga magnet o mga
magnetic field.
• Para panatilihing ligtas ang iyong
mahalagang data, iimbak ito sa kahit
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
22