Nokia 220 4G User guide
dalawang magkahiwalay na lugar, tulad ng
iyong device, memory card, o computer, o
isulat ang mahalagang impormasyon.
Sa panahon ng matagalang pagpapagana, maaaring uminit ang device. Sa pangkalahatan,
normal ito. Para maiwasan ang sobrang pag-init, maaaring awtomatikong bumagal ang device,
isara ang mga app, i-off ang pag-charge, at kung kinakailangan, i-off ang sarili nito. Kung hindi
gumagana nang wasto ang device, dalhin ito sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng
serbisyo.
RECYCLE
Palaging ibalik ang iyong mga gamit nang electronic na produkto, baterya, at mga materyales
sa pagpapakete sa mga nakalaang lugar ng koleksyon. Sa ganitong paraan, nakatutulong
kang maiwasan ang hindi makontrol na pagtatapon ng basura at maitaguyod ang pagre-
recycle ng mga materyales. Naglalaman ang mga electrical at electronic na produkto ng
maraming mahalagang materyal, kabilang ang mga metal (tulad ng copper, aluminum, steel,
at magnesium) at mamahaling metal (tulad ng ginto, pilak, at palladium). Maaaring ma-recover
bilang mga materyal at enerhiya ang lahat ng materyal ng device.
SIMBOLO NG NAKAEKIS NA WHEELIE BIN
Simbolo ng nakaekis na wheelie bin
Ang simbolo ng nakaekis na wheelie bin sa iyong produkto, baterya, literatura, o pakete ay
nagpapaalala sa iyo na ang lahat ng electrical at electronic na produkto at mga baterya ay dapat
dalhin sa hiwalay na koleksyon sa katapusan ng itatagal ng kanilang paggana. Huwag itatapon
ang mga produktong ito bilang mga hindi nauring basura ng bayan: dalhin ang mga ito para i-
recycle. Para sa impormasyon sa iyong pinakamalapit na lugar sa pagre-recycle, alamin sa iyong
lokal na awtoridad sa basura.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
23